-- Advertisements --
Bumagsak ng 24.9 percent ang external trade ng bansa, ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Mula sa dating $6.03 billion noong nakaraang mga taon, nagtala lamang ito ng $4.53 billion noong Marso.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), kabilang sa major export commodities na naapektuhan ang metal components (-40.9%); machinery at transport equipment (-33.1%); at electronic products (-24.0%).
Habang nakitaan din ng epekto ang ignition wiring set at iba pang wiring sets (-22.9%), mantika mula sa niyog (-22%), ginto (-14.8%), sariwang saging (-14.3%) at ilang mineral products (-14.2%).
Samantala, ang total imported goods naman ay nagtala ng $6.91 billion o 26.92% na mas mababa kumpara sa $9.37 billion noong nakalipas na taon.