Binasag na ni dating US Defense Secretary James Mattis ang kaniyang katahimikan tungkol sa mga hakbang na ginagawa ni President Donald Trump para pamunuan ang Estados Unidos.
Kinondena ni Mattis ang American president dahil imbes daw na magkaisa ang mamamayan ng Amerika ay mas lalo lamang itong nahahati dulot ng hindi maayos na pamumuno ni Trump sa bansa.
Aniya, labis ang galit at pagkabahala na kaniyang nararamdaman sa paraan ng pangangasiwa ni Trump sa mas lalong nagiging bayolenteng kilos-protesta sa iba’t ibang lungsod.
Nagbitiw si Mattis sa kaniyang tungkulin noong 2018 nang ipag-utos ni Trump na tanggalin ang tropa-militar ng US sa Syria.
“Donald Trump is the first president in my lifetime who does not try to unite the American people – does not even pretend to try,” wika ni Mattis.
Dagdag pa nito, “We are witnessing the consequences of three years of this deliberate effort. We are witnessing the consequences of three years without mature leadership.”