ILOILO CITY – Labis ang pasasalamat ni dating Department of Health (DOH) Sec Janette Garin matapos manalong kongresista sa 1st district ng Iloilo.

Tinalo ni Garin sa congressional elections si dating Miag-ao Iloilo Mayor Gerardo Flores na isang retired police general.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na panahon na para mag-move on sa kontrobersiya na ibinato sa kanya.

Matandaan na isa sa mga binatong isyu ni Flores kay Garin ay ang anti-dengue vaccine controversy kung saan tinawag pa nito ang pamilya ng dating kahilim na Dengvaxia family.

Ayon kay Garin, sa halip na patulan ang mga negatibong bagay, sasayangin na lang nito ang kanyang panahon sa pagbigay ng tulong sa kanyang mga kababayan.