Nagpakamatay sa pamamagitang ng pamamaril sa sarili ang dating opisyal ng Russia habang ito ay nasa korte.

Matapos ang paglabas ng hatol ng korte sa Moscow na makukulong ng tatlong taon si Viktor Svirdov ay kumuha agad ito ng baril at binaril ang sarili.

Dating hepe ng federal penitentiary service’s motor transport department ng Russia si Svridov na inakusahan ng pangingikil ng $158,500 sa dating deputy director ng penitentiary service.

Iniimbesitgahan na ng mga otoridad kung paano nakapagdala ng baril ang 71-anyos na biktima.