doj GUEVARRA
doj GUEVARRA

Pinadadalo na ng Department of Justice (DoJ) sa “ninja” cops reinvestigation si dating PNP Chief Oscar Albayade.

Kasunod ito ng pagkumpirma ni Justice Sec. Menardo Guverra na napadalhan na ng subpoena ang heneral para paharapin sa susunod na pagdinig sa Nobyembre 5.

Noong Lunes ay isama na rin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Albayalde bilang respondent sa reklamo laban sa mga tinaguriang ninja cops.

Binigyan naman ng DoJ ang mga respondents ng hanggang November 5 para magsumite ng counter affidavit.

Si Albayalde ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na tumutukoy sa misappropriation, misapplication o failure to account for the confiscated or seized drugs.

Kinasuhan din si Albayalde ng paglabag sa Section 3-e Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code o falsification by public officer at paglabag sa Article 208 ng Revised Penal Code o dereliction of duty.