Nananatili pa rin umanong nasa malubhang kondisyon si dating NBA commissioner David Stern kahit na sumailalim na ito sa emergency surgery dahil sa brain hemorrhage.

Maaalalang isinugod sa pagamutan sa New York ang 77-anyos na dating basketball chief matapos mag-collapse sa isang restaurant.

“NBA Commissioner Emeritus David Stern remains in serious condition following emergency surgery to address a sudden brain hemorrhage on Thursday,” saad sa pahayag ng NBA.

“He is receiving great care and surrounded by his loved ones. The Stern family and everyone at the NBA appreciate the incredible outpouring of support.

“Our thoughts and prayers remain with David and his family.”

Umupo si Stern bilang commissioner mula 1984 hanggang 2014 bago palitan ni Adam Silver.

Si Stern ay una nang nailuklok sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame noong taong 2014 at sa nternational Basketball Hall of Fame noong 2016.