Itinanggi ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang akusasyon ni Cavite 4th Dist. Rep. Francisco “Kiko” Barzaga na sangkot ito kasama ang pamangkin na si 4Ps Party-list Rep. Jonathan Clement “JP” Abalos sa anomalya ng flood control projects.
Sa social media post ni Abalos na itinanggi nito ang nasabing alegasyon ni Barzaga noong ito ay nakaupo bilang DILG Secretary.
Maging ang kaniyang pamangkin ay natitiyak niyang hindi ito sangkot.
Itinuturing lamang ng dating DILG Secretary ang ginawa ito ni Barzaga matapos na hindi ito dumalo sa Ethics Committee na pinamumunuan ng kaniyang pamangkin.
Sa ginanap na Ethics Committee panel ay iminungkahi ni Rep. Abalos ang posibilidad na matanggal sa kongreso si Barzaga dahil sa hindi pagdalo at pag-uugali nito sa Kamara.
















