-- Advertisements --

Kinumpirma ni Cecile Joaquin-Yasay ang pagpanaw ng kaniyang asawa at dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr.

Binawian ito ng buhay kaninang alas-7:26 ng umaga, dahil sa kaniyang karamdaman.

Pumanaw umano ang dating kalihim sa edad na 73.

Nanungkulan siya bilang secretary nf DFA mula Hunyo 30, 2016 hanggang Marso 8, 2017.

Hindi naman naaprubahan ang kaniyang appointment nang dumaan ito sa Commission on Appointments (CA) dahil sa kaniyang citizenship.

-- Advertisement --

Namuno rin siya sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 1995 hanggang 2000.

Isa sa mga tumatak sa tao na naging papel ni Yasay, ang pagiging testigo nito sa kaso noon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa ngayon, buhos na ang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Yasay.

Pangunahin nang nakidalamhati ang Palasyo Malacanang, mga dating kasamahan sa DFA, SEC at iba pang personalidad, pati na ang mga grupong kinabibilangan ng dating kalihim.