-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa nawawalan ng pag-asa at mananaig pa rin umano ang katotohonan para magsilbing inosente si former Cagayan de Oro Lone District Rep.Constantino ‘Tennix’ Jaraula laban sa mga kasong graft at malversation of public funds kung nahatulan ng guilty at ipapakulong ng maraming taon.

Ito ay mayroong kaugnayan sa nakatakdang paghahain ng legal team ni Jaraula ng motion for reconsideration ukol sa ipinataw ng Sandiganbayan 1st Division na hatol dahil umano sa nakuha nito na nasa P20 milyonmula sa kuwestiyonableng transaksyon gamit ang peke na non-govt organization na pinatakbo ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Jaraula na tanging ipinagdasal ng kanyang pamilya na mabigyang gabay at malinawagan ang pag-iisip ng mga mahistrado na mayroong hawak sa kanyang kinaharap na kaso.

Inihayag ng dati ring alkalde ng Cagayan de Oro City na mas pinili nila na maghain muna ng MR sa mismong sala na pinagmulan ng kanyang pagka-konbikto bago sila aakyat sa Korte Suprema para maiwasan ang legal technicalities.

Magugunitang mariing iginiit ni Jaraula na walang sapat na mga ebedensya ang prosekusyon para patawan ito ng guilty verdict na kanyang natanggap via virtual promulgation noong nakaraang linggo.

Una nang inamin nito na higit nagdulot rin ng malaking pagkabalisa ng kanyang buong pamilya ang itinakbo ng kaso hanggang lumabas ang desisyon.