Pumanaw na si dating Cavite Governor Irineo “Ayong” Maliksi sa edad 82.

Kinumpirma nito sa pamamgitan ng social media post ng kaniyang anak na si Emmanuel.

-- Advertisement --

Hindi na rin nito binanggit ang sanhi ng kamatayan ng dating gobernador.

Bukod sa pagiging gobernador ng Cavite ay namuno ito bilang vice mayor at mayor sa kaniyang bayan sa Imus habang naging congressman sa ikalawang distrito ng kaniyang probinsiya.

Naging three-term governor ito mula 2001 hanggang 2010.
Naging chairman ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa ilalim ng Aquino Administration.