-- Advertisements --

Hinihintay na raw ng Bureau of Corrections (Bucor) hospital ang tugon ng Philippine General Hospital (PGH) kaugnay ng kahilingan ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na mailipat ng ospital dahil sa iniindang sakit.

Una rito, sinabi ng BuCor na hinihintay na ang resulta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) results ni Sanchez matapos isugod sa ospital ang dating alkalde dahil nakitaan umano ito ng sintomas ng naturang virus.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag, agad silang makikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) kung sakaling magpositibo ang dating alkalde sa deadly virus.

Sinabi naman ni Department of Justice (DoJ) Usec. Markk Perete na dinala nga si Sanchez sa Bilibid hospital noong Lunes.

Na-diagnose daw itong mayroong electrolyte imbalance na secondary sa acute gastro enteritis, chronic kidney disease, hypertension at benign prostatic hypertrophy.

Sumasailalim pa ito sa ngayon sa masusing gamutan.

Una nang dinala si Sanchez sa Ospital ng Muntinlupa subalit hindi ito tinanggap nitong Lunes dahil sa wala na raw bakanteng kuwarte ang nasabing ospital kung kaya’t dinala na lamang ito sa BuCor Hospital.

Dinala sa pagamutan ang dating alkalde matapos makaramdam ng trangkaso at hirap sa paghinga.