Tiniyak ng Malakanyang na magiging mas istrikto na ang pamahalaan sa pagpasok sa mga bagong kontrata na may kinalaman sa mga flood control projects, lalo na laban sa mga kumpanyang bigong tapusin ang kanilang nakaraang proyekto.
Ito ang inihayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Castro, malinaw ang pahayag ni PBBM na bantayan nang mabuti ang mga kumpanyang may masamang rekord, kabilang dito ang ilang dati nang blacklisted ngunit nagpalit lamang ng pangalan at patuloy pa ring nakakakuha ng proyekto mula sa gobyerno.
Binigyang-diin ni Castro na mahalaga ang pagtutulungan ng media at ng publiko upang matukoy at maimbestigahan ang mga ganitong kumpanya.
Dagdag pa ni Castro, mas mainam na masilip din ng mga mamamahayag ang kalidad ng trabaho at kasaysayan o rekord ng mga kontratista para masiguro ang maayos na implementasyon ng mga proyekto.