-- Advertisements --

Naghatid ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kay Mary Jane Veloso at kanyang pamilya kasunod ng kanyang paglaya mula sa pagkakapiit.

Bumisita ang DSWD field office 3 Central Luzon kay Veloso nitong Linggo, Setyembre 27 upang magbigay ng suporta at matiyak ang kanyang pangangailangan matapos ang kanyang mahabang pagkakakulong.

Nakatanggap si Veloso at kanyang pamilya ng nagkakahalag ng P50, 000 cash relief assistance mula sa DSWD bilang paunang suporta para sa kanilang mga pangangailangan.

Bukod sa financial assistance, isinailalim din si Veloso sa assessment para sa posibleng livelihood assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Kabilang sa pinag-aaralan ang pagkakaroon ng sari-sari store bilang potensyal na pagkakakitaan para sa kanyang pamilya.

Si Veloso, na may dalawang anak, ay naaresto sa Indonesia noong 2010 kaugnay ng kasong drug trafficking matapos umanong madakip na may dalang ilegal na droga. Nahulihan siya ng droga at kalaunan ay nahatulan ng parusang kamatayan ng korte sa Indonesia.

Matapos ang ilang taong pagkakakulong, kabilang ang kanyang pagkakapiit sa Correctional Institute for Women nakatanggap si Veloso ng absolute pardon mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Setyembre 25, 2026.