Reading Time: 1 minute

DAGUPAN CITY – Nahulihan ng mataas na kalibre ng baril at mahigit 100 bala ang isang dating barangay kagawad sa Brgy. Apaya, bayan ng Malasiqui, Pangasinan

Kinilala ang naaresto na si Nilo Macaranas, 61, magsasaka at dating barangay kagawad sa lugar.

Sa isinagawang search warrant operation, nakuha sa kanyang bahay ang isang M16 armalite rifle, siyam na magazine at mahigit 100 ng mga bala.

Ayon naman sa suspek, hindi niya naisurrender sa mga otoridad ang baril dahil sa takot na mahuli at masampahan ng kaso.

Itinanggi naman nito na ginamit niya ang baril na panakot at wala naman daw siyang rekord sa pulisya.