DAGUPAN CITY- Sugatan ang isang dating barangay kagawad matapos barilin ng hindi na nakikilalang suspek sa barangay Bonuan Binloc dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang biktima na si dating barangay kagawad Herman Torio, may asawa at residente ng Sitio China, Bonuan Binloc. Dagupan City.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya , nangyari ang pamamaril sa biktima dakong ala 7:45 kaninang umaga sa tapat ng Aqua Water Station sa Barangay Bonuan Gueset.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng hindi pa natukoy na baril at agad na dinala sa Region I Medical Center.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insdente.