Napagpasyahan ng Union of European Football Associations o EUFA na ipagpaliban ang European Championship ngayong taon at isasagawa na lamang ito sa 2021.

Nakatkada kasi ang pagbubukas ng football tournament sa Rome, Italy sa darating na Hunyo 12.

Ang nasabing desisyon ay resulta ng ginawang pagpupulong ng European football’s governing body.

Isasagawa na lamang ang nasabing torneo mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 11.

Sinabi ni UEFA President Aleksander ńĆeferin na pinapahalagahan nila ang kalusugan ng kanilang mga fans at mga manlalaro.