-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binigyang pagkilala ng sangguniang panlalawigan sa pangunguna ni Emmylou “LaLa” TaliƱo Mendoza si Neil Pep Dave Sumaya na nagtapos bilang summa cum laude sa Ghent University sa bansang Belgium.

Kasabay din nito ginawaran si Neil ng Best Student Award of 2021.

Bago pa nito nagtapos rin si Neil bilang magna cum laude sa University of Southern Mindanao (USM) at naging number 1 sa Agriculturist Board Exam noong November 2017.

Inaasahang magtuturo si Neil sa USM simula ngayong taon upang maibahagi ang kanyang mga natatanging kaalaman sa larangan ng agrikultura.