-- Advertisements --

Patuloy na magdudulot ng mga pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao, habang ang easterlies ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong bansa ngayong araw ng Huwebes, Mayo 22.

Ayon sa state weather bureau, asahan na ang mga kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat, na may posibilidad ng flash floods o pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan.

Samantala, sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin at mga isolated na pag-ulan o thunderstorms dahil sa easterlies.

Maaari ring makaapekto ang mga severe thunderstorms ng flash floods o pagguho ng lupa.

Inaasahan ng weather bureau na magiging magaan hanggang sa katamtaman ang hangin na magmumula sa silangan hanggang timog-silangan ng Luzon.

Samantala, ang Visayas at Mindanao ay makakaranas ng magaan hanggang katamtamang hangin na papunta sa silangan-hilagang-silangan.