-- Advertisements --

Hindi bababa sa mahigit anim na libong indibidwal ang kasalukuyang apektado ng mga pag-ulang dala ng Intertropical Convergence Zone sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, katumbas ito ng nasa 1,516 pamilya.

Batay sa datos ng ahensya, ang naturang mga numero ay naitala sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Soccsksargen.

Sa kabila nito ay wala namang naitalang inilikas sa mga evacuation centers ngunit aabot naman sa mahigit limang libong pamilya ang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak at kakilala.

Sa datos naman ng DSWD , aabot na sa 34 kabahayan ang labis na naapektuhan at nasira ng kalamidad habang aabot naman sa 171 na kabahayan ang naitalang partially damaged.

Muli namang siniguro ng DSWD na patuloy silang mamamahagi ng tulong sa lahat ng mga pamilyang apektado ng sama ng panahon.