LAOAG CITY – Dumating na ang mahigit 1,100 atleta mula sa iba’t ibang panig ng bansa dito sa Ilocos Norte, eksaktong isang linggo bago ang 2025 Palarong Pambansa.
Ayon kay Mrs. Helen Rose Domingo, pinuno ng Provincial Sports and Development Office, ang nasabing bilang ng mga manlalaro na dumating sa Laoag International Airport ay mula sa Visayas at Mindanao.
Aniya, nagkaroon ng Final Technical Conference na ginanap mula Mayo 1 hanggang Mayo 3 kung saan ginawa ang lahat ng mga Technical Directors na i-finalize at ayusin ang mga problemang nakita sa mga sporting venues.
Ipinaliwanag niya na nakahanda ang mga billeting center para sa lahat ng mga atleta sa iba’t ibang larangan ng sports.
Aniya, aabot sa 1,700 atleta, coach, guro mula sa iba’t ibang Schools Division Office sa buong bansa at mga opisyal at tauhan ng Department of Education ang inaasahang lalahok sa nasabing aktibidad.
Ang Palarong Pambansa ay magsisimula sa Mayo 24 hanggang Hunyo 2 sa taong kasalukuyan na ang magiging host ay ang lalawigan ng Ilocos Norte.
Samantala, ang Palarong Pambansa ay itinuturing na pinakamalaking multi-sport event sa Pilipinas na ginaganap taun-taon kung saan nilalahukan ang mga estudyanteng atleta mula sa buong bansa.