TUGUEGARAO CITY-Kulong ang isang estudyante matapos mahulian ng marijuana sa Tuguegarao City.

Una rito, pauwi na umano ang hindi na pinangalanang suspek na isang 3rd year Medical Technology student sa isang pribadong unibersidad dito sa lungsod ng Tuguegarao at residente Gamu, Isabela ng kanyang maiwan ang kanyang bag sa harap ng ticket booth ng isang bus terminal sa lungsod.

Dahil dito, ininspeksyon ni Robert Vista, security guard ng bus station ,ang bag ng suspek kung saan kanyang nakita ang isang nakabalot sa papel ng pinatuyung dahon ng marijuana na agad namang niyang ipinagbigay alam sa kapulisan.

Binalikan naman ng babaeng suspek ang kanyang bag na sanhi ng kanyang pagkahuli.

Aminado naman ang suspek na sa kanya ang nasabing bag ngunit depensa nito na ginagamit lamang umano niya ang marijuana sa pagre-review.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung saan kinukuha ng suspek ang marijuana.