Pinirmahan na ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang subpoena laban sa mga kontratistang lumiban sa unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y isyu ng korapsyon sa flood control projects.
Kabilang sa mga kontratistang ipinatawag ng Senado sa pamamagitan ng subpoena ay ang mga sumusunod:
Mr. Luisito R. Tiqui
President, L.R. Tiqui Builders, Inc.
Ms. Cezarah C. Discaya
President, Alpha and Omega Gen. Contractor & Development Corporation
Mr. Lawrence R. Lubiano
President, Centerways Construction and Development Inc.
Mr. Edgar S. Acosta
President, Hi-Tone Construction & Development Corp.
Ms. Marjorie O. Samidan
Authorized Managing Officer, MG Samidan Construction
Mr. Romeo C. Miranda
President/AMO, Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp.
Ms. Ma. Roma Angeline D. Rimando
President, St. Timothy Construction Corporation
Ms. Aderma Angelie D. Alcazar
President/CEO, Sunwest, Inc.
Mr. Eumir S. Villanueva
President, Topnotch Catalyst Builders Inc.
Mr. Mark Allan V. Arevalo
General Manager, Wawao Builders
Magugunitang, hindi sumipot ang mga kontratista sa ikinasang unang pagdinig ng Blue Ribbon Committee dahil sa iba’t ibang rason gaya ng naunang commitment o nagkasakit.
Ang mga contractors na ito ay ang top 15 na isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos jr.
Sa kasalukuyan, inaabangan pa kung kailan itatakda ang susunod na pagdinig ng komite hinggil sa mga palpak, at umano’y “ghost” flood control projects.
Kapag muling nabigo ang mga naturang contractor na dumalo sa kabila ng subpoena, maaari silang i-cite for contempt at pa-isyuhan ng Senado ng warrant of arrest.