Muling nahalal si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang Senate President matapos makakuha ng 19 boto, laban sa 5 boto para kay Senador Vicente “Tito” Sotto III.
Nangyari ang botohan sa pagbubukas ng unang regular na sesyon ng 20th Congress nitong umaga ng Lunes, Hulyo 28, 2025.
Batay sa umiiral na patakaran ng Senado, ang natalong kandidato sa halalan para sa Senate President ay otomatikong magiging minority leader.
Makakasama nito ang mga senador na bumoto sa kaniya bilang bagong minorya.
Samantala, ang mga bumoto kay Escudero ay siyang bagong mayorya.
Ang halalan ay ginanap bago pa man ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matapos ang paghalal ng pinuno ng Senado, sinundan ito ng pagbuo ng mga komite at pagtalakay sa mga panukalang batas para sa bagong sesyon ng Kongreso.