-- Advertisements --
Handang-handa na ang House of Representatives para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay House spokesperson Princess Abante, na nasa 90 hanggang 95 percent ang kanilang kahandaan na.
Karamihan sa mga paghahanda ay naisapinal na at magkakaroon pa ilang pakikipagpulong sa mga opisyal mula Senado, House at sa Malacanang.
May mga adjustment na silang inaayos ganun din ang contingencies sakaling mayroong ilang mga aberya.
Wala ding napag-usapan kung ang pagtitipon ay hindi matutuloy dahil sa sama ng panahon.
Isasagawa ang ika-apat na SONA ni Pres. Marcos sa darating na Hulyo 28 kasabay din ng pagbubukas ng ika-20 congress.