-- Advertisements --

Sasapi si Senador Ping Lacson sa “conscience bloc” ng Senado sa pagbubukas ng unang regular na sesyon ng Ika-20 Kongreso sa Lunes, Hulyo 28.

Ayon kay Lacson, kabilang sa bloc ang dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senador Juan Miguel Zubiri, at Senador Loren Legarda.

Posible rin umano na makasama sa binubuong grupo si Senador Risa Hontiveros.

Bagama’t malamang na hindi kabilang sa mayorya ang “conscience bloc,” umaasa si Lacson na mahihikayat ang ibang senador na gawing gabay ang kanilang konsensya sa pagdedesisyon.

Iginiit din ni Lacson na handa siyang manatiling fiscalizer at isulong ang kanyang mga adbokasiya, nasa mayorya man siya o minorya — dahil aniya, nakapasa siya ng mga batas kahit miyembro siya ng minorya.