-- Advertisements --

Kinansela ng rapper na si Drake ang kaniyang concert sa Manchester dahil sa travel logistics.

Dahil dito ay sinabi ng Canadian singer na kaniyang ire-scheduled sa darating na Agosto 5.

Mayroon na itong natapos na gigs sa nasabing lungsod nitong Biyernes at Sabado bilang bahagi ng kaniyang global tour.

Ayon sa promoter na dahil sa hindi inaasahang problema sa ferry schedule at biyahe ng logistics ay hindi matutuloy ang pagtanghal niya sa Manchester.

Maraming mga fans naman ang hindi natuwa at nagalit sa insidente.