-- Advertisements --

Walang nakikita ang Department of Agriculture (DA) ng pagtaas sa presyo ng bigas matapos na salantahin ng nagdaang mga bagyo at habagat ang maraming taniman.

Ayon kay DA spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa, na hindi naman naging marami ang nasalatang palay.

Karamihan aniya ay partially damage at yung kakatanim lamang.

Base sa kabuuang damyos na naiulat sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na aabot sa P1.12 bilyon ang kabuuang damyos sa agrikultura kasama na ang fisheries, livestocks at poultry.