Nagsagawa ng pagpapatrolya ang Philippine National Police (PNP) Air Unit ngayong linggo na ito sa buong Metro Manila,
Ito ay bilang bhagi pa rin ng kanilang paghahanda sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siyang nakatakdang ganapin sa Lunes sa Batasan.
Layon din nit na subukin ang kahandaan ang mga piloto ng yunit at maging ang kanilang air assets na siya namang itatalaga sa mismong araw ng SONA.
Ang pagpapatrolya naman ay pinangunahan ni PNP Air Unit Chief PCol. Serafin Fortuno Petalio II gamit ang isang H125 airbus helicopter mula sa Manila Domestic Airport.
Sa kabila naman ng tuloy-tuloy na pagulan ngyaong araw ay matagumpay na naikasa ang patrolya ng yunit.
Samantala, ang pagkakasa naman ng operasyon ay alinsunod pa rin sa direktiba ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na dapat umanong tiyaking magiging 100% operational ang lahat ng kagamitan ng kanilang hanay para sa SONA.