Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na patuloy na ipapatupad ng kanilang hanay ang maximum tolerance sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Hulyo 28.
Ayon sa hepe, inaasahan na ng kanilang hanay ang iba’t ibang mga pahayag at opinyon mula sa publiko lalo na at tuwing nasapit ang SONA ng Pangulo.
Kaya naman mahigpit na pinaghahandaan ngayon ng PNP ang SONA na ito upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng programa sa araw na ito.
Binigyang diin rin ng hepe na sisikapin nilang hindi gumamit ng pwersa sa araw ng SONA sa kahit anumang sitwasyon at maging kontra man sa mga posibleng magtangkang gumawa ng gulo sa mismong araw ng SONA ng Pangulo.
Samantala, tiniyak naman ni Torre na pananatilihin pa rin ang pagreseto sa karapatang pantao sa bansa at tiniyak na bagamat pinaghahandaan nila ang SONA ay prayoridad din nila ang kaligtasan ng bawat isa.