Russian plane
Russian Plane

Nag-emergency landing sa Moscow airport ang isang pampasaherong eroplano ng Russia matapos na ito masunog.

Patungong Murmansk city ang Sukhoi Superjet-100 ng ito ay biglang nasunog ilang minuto noong ito ay mag-take-off.

Mabilis namang nailabas sa nasusunog na eroplano ang mga pasahero.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagkasunog nito.