-- Advertisements --

Ibinunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ang umano’y electronic copy ng warrant of arrest laban kay Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hawak ngayon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ay mula sa isang trird party.

Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na nakausap na niya ang kaniyang kapatid (Jesus) matapos niyang ibunyag ang tungkol sa warrant of arrest.

Sinabi umano sa kaniya ng Ombudsman na nakuha nito ang electronic copy mula sa isang third party source.

Ayon kay Sec. Jonvic, bagaman hindi niya ito direktang nakuha sa International Criminal Court, lumalabas na isa itong ‘official’.

Nanindigan naman ang kalihim na dapat mayroong official copy na ipapadala upang matawag na ‘actionable document’.

Natanong din ang kalihim kung paano ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang naturang warrant kung sakaling mayroon nang warrant laban sa senador na dati ring nagsilbing bilang pinuno ng pambansang pulisya.

Bagaman hindi ito sinagot ng opisyal, binigyang-ddin niyang dapat maghintay muna ang mga otoridad na may lumabas na opisyal na kopya ng arrest order.

Nobiyembre-8 nang ibunyag ni Ombudsman Remulla na mayroon nang warrant laban kay Dela Rosa ngunit sa hiwalay na pagtatanong ng Bombo Radyo Philippines kay ICC spokesperson Fadi El Abdallah, sinabi nitong tanging ang internatioanl tribunal lamang ang makapaglalabas ng naturang balita. (report by bombo Jai)