EJ Obiena
-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-apat na puwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ISTAF Berlin Tournament sa Germany.

Nabigo kasi ito sa 5.81 meter mark na talunin sa nasabing torneo.

Pawang mga Americans ang nakakuha sa una hanggang pangatlong puwesto na pinangunahan ni Sam Kendricks, Christopher Nilsen at KC Lightfoot.

Magugunitang nitong nakalipas na Sabado ay nagtala si Obiena ng bagong Asian record matapos ang clearing niya sa 5.93 meter mark sa International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.