-- Advertisements --

Nagtapos sa panglimang puwesto si Pinoy Pole Vaulter EJ Obiena sa FBK Games sa the Netherlands.

Matagumpay nitong natapos ang 5.66 meters na parehas na nagawa nina Keaton Daniel ng US at Tao Zhong ng China.

Dahil sa countback kung saan umabot pa sa dalawang beses na ginawa ni Obiena para matalon ang 5.56 meters.

Nanguna sa nasabing torneo si Christopher Nilson ng US.

Ito ang unang kompetisyon ni Obiena matapos ang pagdepensa ng kaniyang titulo sa Asian Championship noong nakaraang linggo.

Susunod na sasabak si Obiena sa Oslo Bislett sa darating na Hunyo 12.