-- Advertisements --

Mangunguna sa Team Pilipinas ang ilang kilalang manlalaro, kabilang na ang Pinoy Olympian na si Ernest John Obiena para sa mas magandang performance sa Asian Athletics Championships na gaganapin sa Gumi, South Korea sa huling bahagi ng Mayo.

Nakatakdang magpadala ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ng delegasyon ng 20 national athletes’ para sa continental trackfest.

Tinatayang makakakolekta ang Pilipinas ng anim na gold medals o higit pa.

Umaasa ang PATAFA na mamamayagpag ang Asian champions pole vaulter EJ Obiena, pati na sina Fil-Am hurdler na si Robyn Brown.

Sina Obiena at Brown ay una nang nagwagi noong 2023 edition ng Asian Athletics Championships na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Maliban dito, tuloy-tuloy din ang paglahok ni EJ sa iba pang mga laban, bilang paghahanda sa susunod na Olympics.