-- Advertisements --

Muling pinakita ni Armand “Mondo” Duplantis ang kanyang lakas sa pole vault sa Diamond League meet sa Oslo noong Huwebes, matapos magtala ng bagong meet record na 6.15 meter.

Habang si Filipino pole vaulter EJ Obiena ay hindi nakapasa sa unang round at maagang natumba matapos mabigo sa 5.62 meter.

Si Duplantis, ay kasalukuyang walang kapantay sa larangan ng pole vault, matapos talunin ang sariling world record noong Pebrero na 6.27 meter.

Sa kabila ng mga malalaking tagumpay tulad ng Olympic gold at tatlong beses na pag-bago ng world record noong 2024, patuloy niyang pinapalakas ang kanyang reputasyon bilang hari ng sports na ito.

Samantala, si Obiena, kasama ang mga vaulter na sina Sondre Guttormsen ng Norway at Ben Broeders ng Belgium, ay nahirapan sa 5.62 meter, kaya’t maagang nabigo.

Habang tumataas kasi ang bar, si Duplantis ay dumaan nakatawid sa 5.82 meter sa first try, at kalaunan ay pinalakas ang laban kay Emmanouil Karalis ng Greece. Sa huli, tanging si Duplantis na lang ang natira sa kompetisyon, at kanyang tinalo ang 6.15 meter jump sa third try.

“I am very satisfied,” wika ni Duplantis pagkatapos ng kompetisyon.

Samantala nakatutok naman si Duplantis para sa susunod na laban nito sa Stockholm, kung saan nangangarap siyang ma-break ang world record.