Napanatili ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang kanyang korona sa Asian Athletics Championships matapos magwagi sa laban nito sa Gumi Civic Stadium, South Korea.
Sa nangyaring laban, nanguna si Huang Bokai ng China para sa isang jump-off ngunit ‘di nawalan ng pag-asa ang Pinoy na si Obiena matapos malampasan ang katunggali sa 5.77 meter jump para sa first attempt.
Parehong nalampasan nina Obiena at Huang ang 5.72 meter sa unang attempt at laktawan ang 5.77, ngunit kapwa nabigo sa third attempt kung saan lumampas sa 5.82 meter.
Ibinalik ang bar sa 5.77 kung saan si Obiena ay matagumpay na nakatalon sa unang subok, habang si Huang ay ‘di na nakahabol pa.
Mababatid na ito na ang ikatlong sunod na gintong medalya ni Obiena sa Asian Athletics Championships.
Samantala, nagtapos naman sa ika-13 puwesto ang isa pang Pilipino na si Hokett delos Santos, matapos malampasan ang 4.97 meter. Bahagya lamang siyang nanguna kay Muhammad Naufal Shahrul Afzam ng Malaysia dahil sa countback.