Naghahanda na Olympic pole vaulter EJ Obiena sa kaniyang mga torneo na lalahukan.
Matapos kasi ang pagpapagaling mula sa back injury ay nakatakda itong sumabak sa World Athletics Championships na gaganapin sa Tokyo, Japan.
Sa Setyembre 13 ang qualifying round ng Tokyo habang sa Setyembre 15 naman ang finals.
Noong 2023 World Athletics kasi sa Budapest ay nagkamit ito ng silver medal ng makuha ang 6.00 meters clearance.
Pagkatapos nito ay babalik sa bansa si Obiena para sa Athletang Ayala World Pole Vault Challenge na gaganapin sa Ayala Triangle Gardens sa lungsod ng Makati sa darating na Setyembre 20 hanggang 21.
Ang nasabing torneo sa lungsod ng Makati ay sanctions ng World Athletics.
Mula kasi noong nakaraang Hulyo ay hindi pa sumabak sa anumang torneo ang 29-anyos na si Obiena.