ED SHEERAN
-- Advertisements --

Ibinunyag ng singer na si Ed Sheeran na nagpositibo ito sa COVID-19.

Sa kaniyang Instagram ay inanunsiyo nito ang pagpositibo sa nasabing virus.

Bilang protocol aniya ay naka-self-isolate na ito.

Tiniyak naman nito na makakapanayam siya at makakanta habang nasa loob ng kaniyang bahay.

Dahil dito ay nakansela ang ilang mga guesting nito sa telebisyon at ganon din ang mga performance niya.

-- Advertisement --

Ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “Perfect”, “Thinking Out Loud” at maraming iba pa.