Chief Justice Diosdado Peralta
SC Chief Justice Diosdado M. Peralta

Agad binuksan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa babakantehing posisyon ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta.

Kasunod na rin ito ng pag-abruba ng JBC sa optional o early retirement ni ng Ilokanong punong mahistrado. 

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon at documentary requirements ay sa Pebrero 15, 2021.

Ang interesadong aplikante ay maaring bumista sa website ng JBC na jbc.judiciary.gov.ph at i-access ang Online Application Scheduler. 

Nauna nang kinumpirma ng Korte Suprema ang maagang pagreretiro ni Peralta sa March 27, 2021 o ika-69 na kaarawan nito. 

Hindi naman binanggit ang rason ng maagang pagreretiro ni Peralta.

Kung masusunod ang 70-anyos na mandatory retirement ay sa 2022 pa magreretiro si Peralta.

Samantala, naghahanap din ang JBC ng papalapit kay Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman na matatapos naman ang termino sa March 13, 2021.

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon para pewestong iiwanan ni Elman ay sa March 1, 2021.