Columbian Dyip
Columbian Dyip/ PBA image

Pinahiya na ng Columbian Dyip ang bagong import ng Phoenix 106-104 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo si Khapri Alston na nagtala ng 30 points at 19 rebounds habang mayroong 25 points at walong rebounds si CJ Perez at 18 points, six rebounds si Jackson Corpuz.

Nasayang ang nagawang 45 points ni Alonzo Gee na siyang unang laro nito mula ng palitan si Eugene Phelps.

Dahil sa panalo ay nasa 4-4 win-loss record ang Dyip habang mayroong dalawang panalo at anim na talo ang Phoenix.

Ayon kay Columbian coach Johnedel Cardel na mahalaga ang panalo nila para hindi sila mabaon sa standing ng PBA.