Duterte at home
Duterte at home

Nilinaw ng Malacañang na “work from home” sa Davao City si Pangulong Rodrigo Durerte ng isang linggo kaya hindi nakita ng publiko ng ilang araw.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nag-concentrate lamang at ayaw magpaabala si Pangulong Duterte sa gitna ng maraming paper works na dapat nitong asikasuhin.

Ayon kay Sec. Panelo, natambakan si Pangulong Duterte ng mga kinakailangang basahin at lagdaang dokumento dahil ilang araw itong nasa labas kamakailan.

Iginiit pa ni Sec. Panelo na walang ano mang health concern o isyung pangkalusugan sa hindi pagpapakita ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo.