Panelo
Presidential Spokesman Salvador Panelo

Tiniyak ng Malacañang na totohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng syndicated estafa case laban sa mga pinuno ng Manila Water at Maynilad dahil sa maanomalyang probisyon ng kontratang pinasok sa gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi lang banta ang tinuran ni Pangulong Duterte at seryosong sa pagpapakaso kina Pangilinan at Ayala.

Ayon kay Sec. Panelo, mismong ang kwestiyonableng probisyon sa kontrata ang hawak na ebidensya ni Pangulong Duterte.

Si Pangulong Duterte rin umano ang chief executive kaya siya ang pangunahing tagapagpatupad ng batas gaya ng kaso sa kontrata ng gobyerno at mga water concessionaire.