duterte gestures
President Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtungo nito sa Japan para saksihan ang enthronement ceremony ni Japanese Emperor Naruhito sa darating na Oktubre 22.

Ayon sa pangulo, isa ang Japan na tumutulong sa Pilipinas kaya mahalaga ang na saksihan ang pormal na pag-upo ni Naruhito.

Magugunitang pumalit si Emperor Naruhito sa kaniyang 85-anyos na amang si Akihito ang unang Japanese emperor na bumaba sa kaniyang puwesto.

Nauna ng inanunsiyo Malacañang na hindi makakadalo ang pangulo sa nasabing okasyon at sa halip ay magpapdala lamang ito ng representative.

Unang bumisita ang pangulo sa Japan noong Hunyo at nakasalamuha si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.