Duterte pointing head
President Rodrigo Duterte

Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang magpatupad ng temporary travel ban sa mga tao na nanggaling sa Wuhan City at sa buong Hubei province sa China na magtutungo sa Pilipinas.

Sinabi ni Senator Bong Go, inirekomenda niya mismo ang nasabing hakbang sa Pangulo at agad naman itong pumayag.

Mahigpit din aniya ang pagbabantay ng Presidente sa mga ginagawa ng mga concerned agencies para mabantayan ang pagkalat ng deadly virus.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi pa napapanahon na magpatupad ng temporary ban sa mga pasahero na nagmula sa Wuhan City dahil wala pa naman daw human-to-human transmission.

“Nais ko pong ipaalam sa publiko na nakausap ko po si Pangulong Rodrigo Duterte kanina at inirekomenda ko ang pag-impose ng temporary travel ban upang maprotektahan ang ating mga kababayan sa pagkalat ng Coronavirus,” ani Sen. Go sa isang statement. “Sang-ayon po si Pangulo na iimplementa ang temporary travel ban sa mga manggagaling mula Wuhan city and the entire Hubei province ng China.”

-- Advertisement --