Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courier company na J&T Express na kaniyang ipapasara ito.

Kasunod nito ng pag-viral sa social media dahil sa hindi maayos na paghawak ng mga packages ng mga customers.
Kaniya ng ipaimbestiga sa NBI, CIDG at maging sa Bureau of Internal Revenue.

Ayon sa pangulo na kapag napatunayan ang kapabayaan ay kaniyang sasampahan ng kaso ang may-ari ng courier service.

Magugunitang kumalat sa social media ang basta na lamang itinatapon ng mga tauhan ng nabanggit na courier service ang mga padala ng kanilang customers na umani ng negatibong komento sa social media.