Pinakiusapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging kalmado matapos ang nangyaring pagpatay ng mga kapulisan ng Jolo, Sulu sa apat na sundalo.
Sa kaniyang talumpati sa Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi, labis niyang ikinalungkot ang nasabing pangyayari dahi sa buhay na nasayang.
Nanawagan ito sa mga sundalo na huwag padadala sa kanilang emosyon dahil mayroong mas mahalagang trabaho pa at ito ay ang pagprotekta sa mga mamamayan.
Tiniyak din ng Pangulo na gagawin ng National Bureau of Investigation ang malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.
“I have my own misgivings about the whole thing. pending the release of the investigation of the NBI, we all must just keep our silence, I cannot prevent you, if you want to take revenge, then go ahead, I will not stop you. But also at the end of the day, just give me one answer: did the country benefit from furthering the violence?” wika pa ng Pangulo.
Bago ang talumpati nito sa Edwin Andrews Air Base ay nagkaroon ito ng pribadong pakikipag-usap sa mga opisyal ng PNP kabilang na ang siyam na kapulisan na sangkot sa pagpatay sa mga sundalo sa Air Combat Command.