Binigyan linaw ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan na walang anumang dahilan na maaari siyang matanggal sa pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi nito na tuloy pa rin ang plano nito na manguna bilang prosecutor sa kaso.
Sinabihan na aniya ng Prosecutor ang Pre-Trial Chamber na walang anumang grounds na dapat matanggal si Khan.
Ito ang kasagutan ni Khan sa hiling ng kampo ni Duterte na i-disqualify siya dahil sa bigo itong ilahad ang pagkakaroon niya ng conflict of interest.
Ayon kasi sa kampo ni Duterte na naging representative si Khan noong 2018 sa 100 na biktima ng umanoyn extrajudicial killings sa bansa.
Paglilinaw ng prosecutor na hindi sila direktang sangkot sa imbestigasyon at maging sa pag-interview sa mga biktima pero nakibahagi sila sa pro bono sa pag-aaral at pagpresenta doon kay dating Prosecutor Fatou Bensouda.