-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Sec. Arsenio Balisacan na kanilang susuyurin ang nasa mahigit 9,000 flood control project batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa interpelasyon ni House Committee on Public Accounts Chair Terry Ridon sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sinabi ng kalihim na balak muna nila unahing inspeksyunin at rebyuhin ang malalaking proyekto mula 2022 hanggang 2025.

Bahagi ng kanilang etratehiya ay tukuyin kung naitayo nga ba ang flood control project na ito, kung ito ba ay gumagana o partially operational o may sira at kung natutugnan ba talaga nito ang pagpigil o pagpapahupasa pagbaha.

Paliwanag ni Balisacan na hindi bahagi ng kanilang review ang tukuyin kung sino ang guilty o hindi.

Ngunit ang resulta ng kanilang pagsisiyasat ay maaari aniya gamitin ng mga ahensya gaya ng COA, Ombudsman o DOJ sa pagsasagawa ng kanilang sariling imbestigasyon at maghain ng reklamo.