-- Advertisements --

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging desisyon ng National Maritime Council (NMC) hinggil sa pagpapadala ng mga Philippine Navy warships sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Philippine Navy Sposkesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nilinaw niya na ang misyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay ang pagbibigay ng suporta sa mga lokal na mangingisda sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng programang Kadiwa para sa mga Mamamayang Mangingisda.

Aniya ang programa ay isang lamang insiyatibo at misyon mula sa pamahalaan at isang aksyon para masuportahan ang hanapbuhay ng mga mangingisda na siyang naiipit sa tensyon sa territorial waters ng WPS.

Kasunod nito ay nanindigan si Trinidad na regular na nagsasagawa ng kanilang mga maritime at aerial patrol operations ang AFP, Philippine Navy at maging ang Philippine Air Force sa iba’t ibang bahagi ng WPS partikular na sa Bajo de Masinloc, Northern Islands at sa Benham Rise.

Ang mga naturang lokasyon ay wala naman aniyang naitatalang mga tensyon at nanindigan na patuloy lamang ang kanilang hanay sa pagpapatupad ng kanilang mandato sa naturang teritoryo.

Samantala, dahil naman dito hindi rin muna nakikitaan ng pangangailangang magdeploy pa ng PH Navy warship sa WPS lalo na’t hindi naman aniya kailanman umalis ang tropa ng Pilipinas sa naturang katubigan.