Nagbabala si U.S. President Donald Trump noong Martes (araw sa Amerika) na babawasan niya ng pondo ang Smithsonian Institution, na kilalang museo at sentrp ng kasaysayan at kultura ng Amerika dahil sa umano’y pagpapakalat nito ng ”anti-American ideology.”
Inakusahan niya ang Smithsonian ng pagpapalaganap umano ng negatibong pananaw tungkol sa kasaysayan ng Amerika, lalo na sa mga usapin tungkol sa pagkaalipin.
Ayon sa post ni Trump sa kanyang Trust Social na inutusan niya na ang kanyang mga abogado na simulan ang parehong proseso na ginawa nito sa mga kolehiyo kung saan umano’y may “tremendous progress.”
‘I have instructed my attorneys to go through the Museums, and start the exact same process that has been done with Colleges and Universities where tremendous progress has been made,’ pahayag ni Trump sa kanyang Truth Social.
Ayon naman sa White House, maglulunsad sila ng internal review sa ilang museo ng Smithsonian kasunod ng mga paratang ni Trump.
Samantala kinondena naman ng Civil rights advocate group ang hakbang ni Trump at sinabi na ang Smithsonian ay may kalayaan na mag desisyon kahit na tumatanggap pa ito ng pondo mula sa Kongreso.
Magugunitang sa nakaraang mga buwan, nagpataw na rin ng parehong pagbabanta si Trump na babawasan ang pondo sa mga unibersidad dahil sa mga isyu ng mga protesta laban sa sigalot sa Gaza, patakaran sa transgender, at mga programa tungkol sa pagkakapantay-pantay.